Tuesday, July 31, 2007

Behind the Lenses




Last Saturday and yesterday nag kodakan kami sa Aguinaldo’s shrine sa kawit para sa project o entry ni Aj sa art perton contest nga ba un?. Bali ang theme ng photo nya eh freedom na dapat my 50 years or more na monument or place , basta , kaya naisipan nya siguro na dun mag-shoot. Ang nakuha nyang model ay dadi ko na wala masyadong experience pag dating sa pag-momodel hehe. . Dumating si Aj with his klasmeyt at ang kalapati na isasama sa shoot. 30 minutes past 9 am na kami nag simula. Pinusisyon na namin ang kamera at kumuha ng magandang angle at ng pose na rin ang model/dadi. Maganda na ang angulo, parang professional pa ang model pero ang kalapati na pinutulan ng pakpak para di makalipad ay hindi marunong pumose sa kamera. Kaya kami ng tagal ay dahil pangit palagi ang itsura ng kalapati, minsan parang manok, minsan naman parang basahang nalipad. Kaya ng isip agad ng other concept si Aj sa photo nya ayun nadamay pa ako sa piktsur. Naku po todo emote tuloy ang dating. Natapos kami ng about 11 am na.


And then tumawag si Aj sa akin kahapon ng umaga. Re-Shoot daw, waah. Baket?? May print ung damit ng model. Iniisip kun a yun nung una. Kaya ng kodakan nanaman kami sa kawit ng 3 pm, pero this time dapat daw my batang kasama sa photo, ayaw naman magsisamahan ng mga bata dito sa amin. Kaya dun na kami ng hanap ng bata. Buti na lang nakita namin ang tatlong bata na itatago natin sa pangalan na Brian, Totoy, at Alan. Ayus na ang lahat ala ng print ang damit ng aming model/dadi, may mga bata ng model pero ang kalapati eto nanaman ayaw makisama. Pero hinagis namin ng hinagis ang kalapati hanggang makakuha ng magandang shot. Sa wakas nakakuha kami ng shot na maayos ayos at natapos kami ng mga 4:15 mas mabilis this time kasi parang mas alam na naming ung gagawin kaya wrap-up na. Mapapaskil na pic ng dadi ko sa school nila Aj wahehe. Pag nanalo ung entry balato ha. Hehe.

Medyo eto ung ibang kinalabasan nung shoot.

No comments: